Noong nakaraang taon, lumahok ako sa patimpalak na nakita ko sa facebook. Ako 'yung taong hindi masyadong mahilig sumali sa mga patimpalak dahil hindi ako competitive at talaga lang enjoy ako sa pagsusulat. Pero sabi nga nila, sometimes you need validation too kaya sinubukan ko.
Salamat, Sulat Pilipinas sa 200 pesos load at sa karangalang binasa niyo ang gawa kong tula. Ito nga pala ang tula na inilahok ko sa patimpalak.
Papel at pluma ang aking karamay,
upang maabot ang layunin sa buhay.
'Sing lawak ng kalangitan ang diwa kong taglay,
dugo ng makata ang nananalaytay.
Ang bawat paghihirap at siphayo ng dukha,
tila kwentong nakaukit sa bawat talata.
Ang tunay na manunulat, nasa puso ang gawa;
Hindi kayang talikuran ang kanyang nilikha.
Tila apoy na nagniningas ang marubdob na hangarin,
maibahagi ang talento’t magpahayag ng damdamin.
Matayog na pangarap, pilit aabutin;
Hindi magpapatinag, gaano man hamakin.
Mapiling mambabasa at paghamak ng batikan,
tila punyal na sumusugat sa aking kalooban.
Isang ambisyosong manunulat, dungis sa panitikan,
kahihiyan sa literatura,walang alam sa pamantayan.
Nang dahil sa pag-ibig, ang napili kong paksa,
ako’y iyong nilait at lantarang tinuligsa.
Pinaratangang mapagsamantala sa kahinaan ng madla,
sumisira sa panitikan, karamdaman ng bansa.
Dahil hindi maunawaan, ako’y naging hibang.
Mali ba ang umibig, mangarap, maglibang?
Ang aklat ng pag-ibig, kailan naging hadlang?
Mabuti bang maghimagsik at tumuligsa na lamang?
Pilit inilalayo sa minamahal kong sining;
Pilit itinatanggi, kahit may angking galing.
Sa mga sumisiphayo, ang tangi kong hiling;
talang aandap-andap, hayaang magningning
Tunay ngang mahusay ka sa napili mong larangan.
Ngunit sa aking mga pangarap, huwag sana akong harangan.
Huwag sanang ikulong sa iisang larawan.
Isipan nati’y magkaiba, hindi matutuluran.
Pangit man sa paningin, ang natapos kong akda.
Hindi mo man nagustuhan ang sinulat kong tula.
Balarila man ay mali, taludtod ay hindi tugma.
Sa mga payong ikauunlad, asahan mong ako’y handa.
Maging makatwiran sana sa pagiging hurado,
sa paghambing sa baguhan at manunulat na lehitimo.
Paumanhin kung sa pagsulat, ang istilo ko’y moderno,
nang sa gayon, maunawaan ng kabataang Pilipino.
Marunong akong tumanggap ng aking pagkatalo.
Hubugin ng pagkabigo at mga kritisismo;
Husgahan ang aking gawa, hindi ang pagkatao.
Tulad mo, mahal ko rin ang ating wikang Filipino.
Hindi man tumatalakay sa relihiyon o himagsikan,
ang paksa man ay malayo sa politika at kasaysayan
Hindi nangangahulugang, ang wika ay kinalimutan
Nasa puso ko pa rin ang tungkulin sa bayan.
Piniling magpahayag, gamit ang pagsulat,
dahil ako’y may hangaring, kapwa ko ay mamulat
Hindi mo man kasing galing, kaalaman ko ma’y salat,
huwag sanang husgahan sa nalimbag na aklat.
Ang layunin ng pagbasa, tila iyong nakalimutan
Ang layon ng isang aklat ay buksan ang kaisipan
Ang mensahe ng kwento, paano mauunawaan?
Kung ang isip ay sarado, unang pahina pa lamang.
Ang inyong pang-unawa, ang aking kailangan
Malayang pagsulat, huwag sanang saklawan
Nais kong humusay pa at balang-araw ay hanggaan
Maging ehemplo ka sana na dapat kong tularan.
Siguro’y biktima ako ng maling edukasyon
Iba ang takbo ng isip, puno ng imahinasyon
Sa akademikong kaalaman, malinaw ang limitasyon
Ngunit ako’y nagsusumikap, hangad ko’y pagkakataon.
Sa larangan ng panitikan, wala mang naiambag
Ang aking munting bangka, hayaang maglayag
Isa ka ring hamak na baguhan, bago ka naging tanyag
Nangarap at nadismaya sa masasakit na pahayag.
Hindi man karapat-dapat sa karangalan at pagkilala
Hindi ako naghahangad ng medalya’t gantimpala
Ako ay manunulat sa puso at diwa
Pagkaitan man ng papuri, pag-asa’y ‘di mawawala .
Ang bawat manunulat ay may iba’t-ibang hangarin
Sana’y bigyang pansin ang makabagong awitin
At subukang sumayaw sa saliw ng tugtugin
Nang iyong maunawaan ang nais iparating.
Owen Huo pala ang ginamit kong penname. Dahil Owen ang pangalan ng bida sa Jurassic World at 'yung Huo ay mula kay Wallace Huo na isang sikat na aktor sa Taiwan. Huwag na kayong magtaka dahil iba't-ibang pangalan ang ginagamit ko.
ang galing galing naman! congrats sa pagkapanalo mo.. sya nga pala share mo rin dito pag nakagawa ka na ng mandala or may instagram ka follow kita?!
ReplyDeleteSalamat :) Wala pa akong nagagawa pero gusto ko din talagang mag-drawing. Sa ngayon, nagkukulay lang ako ng mga mandala na nakikita kong pwedeng i-download sa internet. Nakaka-inspire talaga yung mga gawa mo. Pwede nang coloring book.
DeleteNice. Congrats! Goal ko this year ay sumali rin sa isang literary contest. Hindi naman kailangan manalo. Yun lang sumali malaking bagay na sakin. Ako kasi yung tipo na ayaw mag effort sa lahat ng bagay. This year i'm pushing myself na mag effort para sa mga goals ko. Parang ewan lang eh no? hahaha!
ReplyDeleteAnyway, yung tula mo ok. I'm not judging it. hanga nga ako sayo. Ipagpatuloy mo ang pag cultivate ng tagalog poetry.
Dati akong fan ng poetry nung mas bata pa ako. Kaso nung nagtagal naging impatient nako. Nawalan na ng interest mag isip at unawain ang mga metaphors at lagi ay puro direct to the point ang mga statement. It comes with age I guess. Sumusulat din ako noon ng tula. Ngayon, wala na. Hehehe!
Tulad mo, hangarin ko din ang maging isang "lehitimong manunulat". May mga maikling kwento na isinulat ko sa wikang Italyano at nalimbag na din dito. ANo ba yan! napapatagalog nako! Anyway, sabi nga ni F. Sionil Jose, hindi daw niya ine-encourage ang mga kabataan na mag aspire maging manunulat dahil ito daw ang propesyon ng mahihirap. Walang pera sa pagsusulat. kahit nga yung katrabaho ko minsan napagusapan namin ang passion ko sa pagsusulat. Ayun tinawanan niya lang ako kasi alam niya na gusto kong maging mayaman kaso naginvest daw ako ng time at energy sa bagay na walang kabuhayan. For her, writing is just a hobby. Sinuwerte lang daw talaga yung mga manunulat na nakikilala natin.
Pero sa tingin ko para lang din yang propesyon at trabaho. Minsan magiging kabuhayan mo, minsan pabigat sayo.
Anyway, matapos ang nakaka depress na comment na ito, gusto ko lang sabihin sayo na ipagpatuloy mo yan. Hehehe!
Ang galing mo naman. Bihasa ka ba sa wikang italyano? :) Oo, tama. Sinwerte lang talaga sila. Sa huli, kailangan pa rin natin ng trabaho na mabubuhaay tayo. Kailan kaya ako papalarin katulad ng ibang manunulat? Hahaha! Pati ako na-depress sa comment mo e. Salamat sa pagbati! :)
DeleteNagsusulat ako ng tula sa Filipino oero yan eh nung nasa high school pa ako. Mga tulang para sa kaarawan ng isang kamag-aral o sa isang guro ang lagi kong nahahabi. Maraming good points ang tula at gusto ko yung patungkol sa mga hurado. Paborito ko ang parteng may tala at bangka.
ReplyDeleteRequired kasi tayo noong highschool. Hahaha! Pero hindi ko talaga enjoy kapag requirements. Mas maganda ang kinakalabasan ng mga gawa kong tula kung inspired ako ng isang bagay at hindi ni teacher.
DeleteAW, fond ako ng mga tula at gusto ko yung lalim ng art na to. :) nga lang hindi lahat ng mga tao appreciated ang art na to. Glad that you tried and bagong bago yan for you! yey, stepping out the zone! :)
ReplyDeleteOo nga. Mahilig talaga ako sa tula lalo na kung magkakasing-tunog 'yung huli. :)
DeleteYey congrats sa pagkapanalo ng iyong tula :)
ReplyDeleteHindi ko alam na may ganyang 'ganap' pala sa facebook.
Matignan nga hahaha.
Bigla lang lumabas 'yung patalastas sa newsfeed ko. Marami rin kasing bookclub doon e.
DeleteSalamat nga pala :)
Delete