Monday, 16 May 2016

Back To The Iron Fist

Imagine being raised by overly strict and dominant parents. They will impose rules, they will tell you it's for your own good. They will punish you if you don't obey. As a result, you will turn out as a disciplined person. 

But deep inside, you wanted to scream because even if you could see the intentions of your parents, you can also see that they are taking advantage of their power. You’re not allowed to give opinion or voice out your thoughts. The only thing that they care about is for the rules to be followed. They provide you everything and reward you a little gift for being obedient but you know you deserve more than that. You want to be treated with respect. For them, you’re just a son/daughter and they’re your parents, you owe them everything. 

Then one day, you couldn’t take it anymore so you decided to rebel and they kick you out of the house. But being on her own won’t be easy for a child who was shielded all her life. You finally have the freedom but you don’t know what to do with it. You don’t know how to start again. And because you hated the way your parents treated you, you think that everyone who gives rules limits your freedom. You want to do things your own way. You only want the rules that benefit you. You think that those who want to help you have interior motives. 

Then you find your life is in chaos. When no one can save you, you decided that life is better when you have your parents with you, giving you rules, imposing discipline because back then, life was easier. You start glorifying them and hate those who criticize their parenting technique. You think that your parents are your only salvation. But you’re wrong. You don’t need to be brainwashed by people who wanted to control you. You have your own mind. You can discipline yourself.



Sa Isang Iglap

Parang kailan lang nang ipinangako natin sa isa’t-isa na walang susuko kahit anong problemang dumating. Kahit pa hindi ako gusto ng mga kaibigan mo at pinagbawalan akong manligaw ng tatay mo. Hindi ako sumuko dahil naniniwala akong kapag mahal mo ang isang tao, ipaglalaban mo. Hindi rin naging hadlang ang ating mga pangarap para ipakita kung gaano natin kamahal ang isa’t-isa. Kahit pa magkaiba na tayo ng pinapasukang paaralan dahil lumipat na kayo ng bahay. Tinitipid ko ang baon ko para makapunta sa Bulacan kahit sa Malabon pa kami nakatira. Hindi ako naniniwala sa long distance love affair noon pero nagbago ‘yon nang makilala kita. Mas gugustuhin ko pang magkahiwalay tayo pero nagmamahalan  kaysa maging masaya sa piling ng iba. Kahit mga bata pa tayo at alam kong marami pa tayong makikilalang iba, alam kong hindi na ako makakahanap pa ng katulad mo at ipinangako kong mag-aaral akong mabuti para sa kinabukasan nating dalawa.


Pero sa isang iglap ay biglang naglaho ang mga pangarap na iyon. Iyon lang ba ang halaga sa’yo ng pinagsamahan natin? Ganoon lang ba ako kadaling iwan? Dahil lang sa hindi tayo pareho ng kandidatong sinusuportahan ay tila nabalewala ang lahat ng pinagsamahan natin. Pareho naman tayong hindi botante. Pare-pareho lang kayo ng mga kaibigan kong nagalit sa akin at kinalimutan ang pagkakaibigan namin dahil hindi matanggap na hindi ko kayang suportahan ang kandidatong gusto nila. Pareho kayo ng kandidato mong baluktot mag-isip. Sana lang maging masaya ka sa desisyon mo. Siya nga pala, nanalo kandidato ko.

Thursday, 7 January 2016

Sulat Pilipinas


Noong nakaraang taon, lumahok ako sa patimpalak na nakita ko sa facebook. Ako 'yung taong hindi masyadong mahilig sumali sa mga patimpalak dahil hindi ako competitive at talaga lang enjoy ako sa pagsusulat. Pero sabi nga nila, sometimes you need validation too kaya sinubukan ko. 




At sobrang tuwa ko dahil pinalad naman akong manalo kahit ikalawang pwesto.






Salamat, Sulat Pilipinas sa 200 pesos load at sa karangalang binasa niyo ang gawa kong tula. Ito nga pala ang tula na inilahok ko sa patimpalak.



Papel at pluma ang aking karamay,
upang maabot ang layunin sa buhay.
'Sing lawak ng kalangitan ang diwa kong taglay,
dugo ng makata ang nananalaytay.

Ang bawat paghihirap at siphayo ng dukha,
tila kwentong nakaukit sa bawat talata.
Ang tunay na manunulat, nasa puso ang gawa;
Hindi kayang talikuran ang kanyang nilikha.

Tila apoy na nagniningas ang marubdob na hangarin,
maibahagi ang talento’t magpahayag ng damdamin.
Matayog na pangarap, pilit aabutin;
Hindi magpapatinag, gaano man hamakin.

Mapiling mambabasa at paghamak ng batikan,
tila punyal na sumusugat sa aking kalooban.
Isang ambisyosong manunulat, dungis sa panitikan,
kahihiyan sa literatura,walang alam sa pamantayan.

Nang dahil sa pag-ibig, ang napili kong paksa,
ako’y iyong nilait at lantarang tinuligsa.
Pinaratangang mapagsamantala sa kahinaan ng madla,
sumisira sa panitikan, karamdaman ng bansa.

Dahil hindi maunawaan, ako’y naging hibang.
Mali ba ang umibig, mangarap, maglibang?
Ang aklat ng pag-ibig, kailan naging hadlang?
Mabuti bang maghimagsik at tumuligsa na lamang?

Pilit inilalayo sa minamahal kong sining;
Pilit itinatanggi, kahit may angking galing.
Sa mga sumisiphayo, ang tangi kong hiling;
talang aandap-andap, hayaang magningning

Tunay ngang mahusay ka sa napili mong larangan.
Ngunit sa aking mga pangarap, huwag sana akong harangan.
Huwag sanang ikulong sa iisang larawan.
Isipan nati’y magkaiba, hindi matutuluran.

Pangit man sa paningin, ang natapos kong akda.
Hindi mo man nagustuhan ang sinulat kong tula.
Balarila man ay mali, taludtod ay hindi tugma.
Sa mga payong ikauunlad, asahan mong ako’y handa.

Maging makatwiran sana sa pagiging hurado,
sa paghambing sa baguhan at manunulat na lehitimo.
Paumanhin kung sa pagsulat, ang istilo ko’y moderno,
nang sa gayon, maunawaan ng kabataang Pilipino.

Marunong akong tumanggap ng aking pagkatalo.
Hubugin ng pagkabigo at mga kritisismo;
Husgahan ang aking gawa, hindi ang pagkatao.
Tulad mo, mahal ko rin ang ating wikang Filipino.

Hindi man tumatalakay sa relihiyon o himagsikan,
ang paksa man ay malayo sa politika at kasaysayan
Hindi nangangahulugang, ang wika ay kinalimutan
Nasa puso ko pa rin ang tungkulin sa bayan.

Piniling magpahayag, gamit ang pagsulat,
dahil ako’y may hangaring, kapwa ko ay mamulat
Hindi mo man kasing galing, kaalaman ko ma’y salat,
huwag sanang husgahan sa nalimbag na aklat.

Ang layunin ng pagbasa, tila iyong nakalimutan
Ang layon ng isang aklat ay buksan ang kaisipan
Ang mensahe ng kwento, paano mauunawaan?
Kung ang isip ay sarado, unang pahina pa lamang.

Ang inyong pang-unawa, ang aking kailangan
Malayang pagsulat, huwag sanang saklawan
Nais kong humusay pa at balang-araw ay hanggaan
Maging ehemplo ka sana na dapat kong tularan.

Siguro’y biktima ako ng maling edukasyon
Iba ang takbo ng isip, puno ng imahinasyon
Sa akademikong kaalaman, malinaw ang limitasyon
Ngunit ako’y nagsusumikap, hangad ko’y pagkakataon.

Sa larangan ng panitikan, wala mang naiambag
Ang aking munting bangka, hayaang maglayag
Isa ka ring hamak na baguhan, bago ka naging tanyag
Nangarap at nadismaya sa masasakit na pahayag.

Hindi man karapat-dapat sa karangalan at pagkilala
Hindi ako naghahangad ng medalya’t gantimpala
Ako ay manunulat sa puso at diwa
Pagkaitan man ng papuri, pag-asa’y ‘di mawawala .

Ang bawat manunulat ay may iba’t-ibang hangarin
Sana’y bigyang pansin ang makabagong awitin
At subukang sumayaw sa saliw ng tugtugin
Nang iyong maunawaan ang nais iparating.


Owen Huo pala ang ginamit kong penname. Dahil Owen ang pangalan ng bida sa Jurassic World at 'yung Huo ay mula kay Wallace Huo na isang sikat na aktor sa Taiwan. Huwag na kayong magtaka dahil iba't-ibang pangalan ang ginagamit ko.



Friday, 21 February 2014

LIEBSTER AWARD



First time kong sumagot ng mga ganitong award. Salamat ng marami sa first time na nagnominate sa akin na si Pareng Cyron ng Hindi ito wholesome

The rules:
1. Link the blog that nominated you for the award.
2. Answer the 11 questions given to you.
3.Create 11 questions for the people you nominate to answer.
4. Choose 11 bloggers to nominate who have less than 200 followers.
5. Let the people you have nominated know what you have done so.
6. You can't nominate the person who nominated you.

At eto ang mga wholesome na tanong na ibinigay sa akin ni master pogi :)

1. What do you think about when you're alone?
My failures and goals in life. (emo much) 

2. Would you take a one way mission to mars trip? Why?
No way. I'm contented with where I am now. 

3. What would you like about being the opposite sex?
Pwedeng umiyak :) We can also tell each other ''I love you and I miss you'' without the random awkward feeling. Di katulad ng guys. Pare 1: Pre', namiss kita. Pare 2: Gay -.-

4.  For what conspiracy theory do you secretly hold beliefs?
The Bong Bong Marcos story. Hindi ko na naabutan iyon pero may nakapagsabi sa akin na totoo daw.

5. What was your most intense dream? 
Wala pa sa totoo lang. Aside from binuhat ako ng three white ladies :3

6. Have you ever faked an orgasm while masturbating?
Face palm  -.-

7. What do you think is at the edge slash end of the universe?
Utopia


8. Where would you go in a time travel machine? would you stay?
My past. I just want to pay a visit but I won't stay.

9. Do you think Pareng Cyron is good in bed?
Hahahaha! Subukan niyo

10. What is Satan's last name?
Cross. Satan Cross. Pang hollywood :) Pwede ring Satan Dela Cruz.

11. If you will have a chance to have sex to an artist, who will that be?
I'll marry him first. Taylor Lautner.

At ito naman ang aking mga katanungan: 
1.  Anong course ang natapos mo?
2. Saan ka nagtatrabaho?
3. Kuntento ka ba sa trabaho mo ngayon?
4. Ano ang iyong opinyon sa R.H. Bill?
5. Kung gagawa ka ng pre-nuptial agreement bago ka ikasal, anu-ano ang mga kondisyon na isasali mo. Paki-explain. 
6. Ibigay mo ang iyong opinyon sa artikulong ito. Click. Sumasang-ayon ka ba sa desisyon ng pamunuan ng naturang zoo?
7. Para naman sa tanong na walang kinalaman sa mga naunang tanong, iiwan mo ba ang girlfriend/boyfriend mo ngayon kung biglang bumalik ang ex mo na matagal din ang pinagsamahan niyo? 
8. Naniniwala ka ba sa sinasabi nila na Grades do not measure intelligence?
9. Kung mayroong isang University ka na pinangarap pasukan, saan ito at bakit?
10. Maliban sa kinabibilangan mong simbahan, saang simbahan/relihiyon/religious group ka interesadong maging myembro o gusto mong pag-aralan ang kanilang turo?
11. Favorite food (naubusan na ako ng tanong :3) 

Sana sagutin niyo:
Chee  of  Going Guderian
Zoe of That's Zoe
John of JohnDmur2014
Batang Gala of  BatangGala

Wala na akong ibang manominate. Siguro next time na lang kapag marami na akong sinusubaybayan na blog.